Lunes, Abril 6, 2015

Kapit Lang!

Article of Faith: “Ang lahat ay magagawa ko, may lakas mula kay Kristo.”

Gusto kong mas lalong umayos ang takbo ng buhay ko now na; lahat-lahat sana, kasama na financial, emotional, physical/health, social, lovelife and even spiritual pero parang ang hirap ayusin... sa ganang akin hindi ko kaya... kakastress... pero I'm not born this way, na pahirapan ang sarili sa mga bagay na di ko kayang ayusin, I have limited skills and talent.. pero sabi nga sa bible kapag sa Lord ko ipinauubaya ang lahat, KAYA yan! posible yan!.. kaya... tuloy-tuloy lang ang laban. Bitbit ko ang pananalig sa Diyos na kailanman ay “hinding-hindi Nya ako iiwan, ni pababayaan man, anuman, saan man, magpakailanman...”


Gaano man kahirap ang buhay at ang pinagdadaanan mo ngayon, makatitiyak kang may Diyos na tutulong at aagapay sayo... LAPIT lang, KAPIT lang... - prosperich08


Deut. 31:6 "So be strong and courageous! Do not be afraid and do not panic before them. For the LORD your God will personally go ahead of you. He will neither fail you nor abandon you."

Article of Faith: “Huwag kang bibitaw”


Article of Faith: “Huwag kang bibitaw”


Madalas sa sobrang dami nating di magandang sitwasyon at problema na dinadaanan, mas pinipili nating bitawan nalang ang mga bagay, pangarap, plano at nasain na gusto nating maranasan. Ang iba nga tumitigil na sa takbuhin ng buhay at nagpapasyang bawiin ang sariling buhay.

Ano man ang problema mo sa ngayon, kalungkutan, kabiguan, kahirapan at mga negatibong bagay na iyong nararanasan, huwag na huwag kang bibitaw. Kung may pangarap ka na hindi pa natutupad o hindi natupad, mangarap kang muli. Kung nagfall o nagfailed ka man sa maraming bagay, huwag kang bibitaw; sa buhay hindi dapat tayo matingin o manatiling nakatingin sa ating mga kabiguan. Higit na mahalaga ang pagbangon, pananatiling matatag, paglaban, pag-asa at pagtingin sa positibong bagay na mangyayari sa hinaharap. 

Walang problema na walang kalutasan, walang negatibong sitwasyon na walang solusyon, lahat ng bagay ay nagaganap at naaayon sa kalooban ng Diyos na makapangyarihan. Tiyak ang tulong ng ating Panginoon anuman ang ating pagdaanan, kaya huwag kang bibitaw! :) - prosperich08

Life Purpose

Article of Faith: “Maiksi ang buhay”


The Word of God Stands Forever


6 A voice says, “Cry!”

All flesh is grass,
and all its beauty is like the flower of the field.
7 The grass withers, the flower fades
when the breath of the Lord blows on it;

surely the people are grass.

but the word of our God will stand forever. - Isaiah 40:6-8


Sa bible verses sa itaas, ipinahayag ng Diyos kay propeta Isaias kung gaano kaiksi ang buhay. Inutusan ng Diyos si Isaias na ipahayag din ito sa ibang mga tao. Magpahanggang-ngayon, patuloy ang pagpapahayag ng maraming mangangaral tungkol sa kaiksian ng buhay, sapagkat ang BUHAY ay lubhang napakahalaga.

Sa realidad, mapapatunayan nating ang bible verse sa itaas ay tunay at nagaganap. Ang tao nga ay parang isang DAMO lamang, nandyan ngayon at pagkalipas ng ilang panahon, minsan nga napaikling panahon, ang tao ay tuluyan ng nawawala, at sa alaala na lamang ng mahal nila sa buhay namamalagi. Maiksi ang buhay, tulad lang ito ng BULAKLAK na nandyan at sariwa ngayon at mayamaya malalanta hanggang sa tuluyan ng mamatay. Ganyan din ang buhay ng tao, hindi tayo mananatiling bata habang nasa mundong ito. Tulad ng bulaklak kukulubot tayo.

Hindi sigurado kung gaano kaiksi o kahaba ang buhay ng isang tao sa mundong ito, isa lang ang sigurado; lahat tayo ay tatanda at lilipas... “The end of the matter; all has been heard. Fear God and keep his commandments, for this is the whole duty of man.- Ecclesiastes 12:13” sinabi ng mangangaral na ang buhay ay puno ng pakikipagsapalaran at pangyayaring walang katiyakan, subalit sa kabila ng lahat ng ito, isang bagay ang hindi dapat natin makalimutan; MATAKOT TAYO SA DIYOS AT SUNDIN ang KANYANG MGA UTOS sapagkat ITO ANG BUONG KATUNGKULAN NG TAO. Maiksi ang buhay kung kaya't dapat natin itong pangalagaan at pahalagahan, our sole purpose is to live according to the WILL of GOD, to know him, honor and glorify him as long as we live.

Wanna know more about the
importance of life and its purpose???

Read the bible today... 


May problema ka ba?

May problema ka ba?

Kumalma ka lang at manalangin. Wala namang perpektong pangyayari at sitwasyon sa mundo. Sasakit lang ang ulo mo at wala namang mangyayari kung patuloy mong aalalahanin ang mga mangyayari sa susunod na araw. May dahilan ang Diyos for allowing things to happen, hindi pa man natin lubos itong maunawaan sa ngayon pero tiyak akong mauunawaan natin ito sa tamang panahon. Trust His will, trust His ways... Trust HIM indeed!!!


Bakit ka malulungkot sa isang bagay na hindi pa naman nangyayari. Mangyari o hindi mangyari ang plano mo sa buhay, tiyak akong hindi ka ilalagay ng Lord sa alanganin as long as you trusting and leaning on His ways and will... TIWALA lang... :)


Contentment

Kaaliw ang buhay, kapag papatulan mo lahat-lahat ng hindi magagandang bagay at di tamang sinasabi ng iba, mamatay ka ng maaga... :)

Kung ayaw maghintay, delikado, madalas ang nagmamadali ang syang nadadapa, ayon sa isang salawikain “ang naglalakad ng matulin kung matinik ay malalim”...


Bakit kaya di tayo makuntento, hindi kaya pwedeng i-enjoy nalang natin ang mga bagay at pangyayari na meron tayo sa buhay since alam naman nating may Diyos na nakaagapay satin anuman at saanman. Madalas hanap tayo ng hanap ng kung anu-anong bagay pero ang totoo sapat na ang nasa atin.

Job Vacancy - Ponderosa

Ponderosa Leather Goods Company, Inc.
A pioneer and leading manufacturer-exporter of Baseball and Hockey gloves is looking for highly efficient, dynamic and aggressive professionals.

Accounting Staff

Job Responsibility: This position is responsible in managing the day-to-day accounting and investment functions of the company by maintaining and producing financial information accounting tasks of company accounts and records.

  • Candidate must posses at least a Bachelor's/College Degree in Finance/Accountancy/Banking or equivalent.
  • At least 4 years of working experience in the related field is required for this
  • Ability to exercise good judgment in evaluating situation and making decision.
  • Knowledgeable in cost analysis techniques.
  • Excellent organization and communication skills.
  • Must be adept in common software applications such as WORD, EXCEL and Powerpoint.


Qualified applicants are requested to apply online or personally from
Mondays – Thursdays, 8:00 a.m. – 3:00 p.m. and bring their comprehensive resume including Transcript of Records to HRMD Department.

PONDEROSA LEATHER GOODS CO., INC.
002 Sumulong Highway, Bo. Mayamot, Antipolo City
Tel. Nos. 646-2313 / 646-5879
Look for Ms. Allenn G. Larong / HRMD Supervisor



PONDEROSA LEATHER GOODS CO., INC.

#002 Sumulong Highway, Bo. Mayamot, Antipolo City

Tel. No.: 646-23-13 / 646-58-79



is presently in need of


COMPANY MESSENGER

  • At least college level
  • Know how to drive motorcycle with driver's license
  • Familiar in Metro Manila and Antipolo areas
  • Experience in manufacturing firm is a must but not required
  • With good moral character