Lunes, Abril 6, 2015

Life Purpose

Article of Faith: “Maiksi ang buhay”


The Word of God Stands Forever


6 A voice says, “Cry!”

All flesh is grass,
and all its beauty is like the flower of the field.
7 The grass withers, the flower fades
when the breath of the Lord blows on it;

surely the people are grass.

but the word of our God will stand forever. - Isaiah 40:6-8


Sa bible verses sa itaas, ipinahayag ng Diyos kay propeta Isaias kung gaano kaiksi ang buhay. Inutusan ng Diyos si Isaias na ipahayag din ito sa ibang mga tao. Magpahanggang-ngayon, patuloy ang pagpapahayag ng maraming mangangaral tungkol sa kaiksian ng buhay, sapagkat ang BUHAY ay lubhang napakahalaga.

Sa realidad, mapapatunayan nating ang bible verse sa itaas ay tunay at nagaganap. Ang tao nga ay parang isang DAMO lamang, nandyan ngayon at pagkalipas ng ilang panahon, minsan nga napaikling panahon, ang tao ay tuluyan ng nawawala, at sa alaala na lamang ng mahal nila sa buhay namamalagi. Maiksi ang buhay, tulad lang ito ng BULAKLAK na nandyan at sariwa ngayon at mayamaya malalanta hanggang sa tuluyan ng mamatay. Ganyan din ang buhay ng tao, hindi tayo mananatiling bata habang nasa mundong ito. Tulad ng bulaklak kukulubot tayo.

Hindi sigurado kung gaano kaiksi o kahaba ang buhay ng isang tao sa mundong ito, isa lang ang sigurado; lahat tayo ay tatanda at lilipas... “The end of the matter; all has been heard. Fear God and keep his commandments, for this is the whole duty of man.- Ecclesiastes 12:13” sinabi ng mangangaral na ang buhay ay puno ng pakikipagsapalaran at pangyayaring walang katiyakan, subalit sa kabila ng lahat ng ito, isang bagay ang hindi dapat natin makalimutan; MATAKOT TAYO SA DIYOS AT SUNDIN ang KANYANG MGA UTOS sapagkat ITO ANG BUONG KATUNGKULAN NG TAO. Maiksi ang buhay kung kaya't dapat natin itong pangalagaan at pahalagahan, our sole purpose is to live according to the WILL of GOD, to know him, honor and glorify him as long as we live.

Wanna know more about the
importance of life and its purpose???

Read the bible today... 


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento