Article
of Faith: “Huwag kang bibitaw”
Madalas
sa sobrang dami nating di magandang sitwasyon at problema na
dinadaanan, mas pinipili nating bitawan nalang ang mga bagay,
pangarap, plano at nasain na gusto nating maranasan. Ang iba nga
tumitigil na sa takbuhin ng buhay at nagpapasyang bawiin ang sariling
buhay.
Ano
man ang problema mo sa ngayon, kalungkutan, kabiguan, kahirapan at
mga negatibong bagay na iyong nararanasan, huwag na huwag kang
bibitaw. Kung may pangarap ka na hindi pa natutupad o hindi natupad,
mangarap kang muli. Kung nagfall o nagfailed ka man sa maraming
bagay, huwag kang bibitaw; sa buhay hindi dapat tayo matingin o
manatiling nakatingin sa ating mga kabiguan. Higit na mahalaga ang
pagbangon, pananatiling matatag, paglaban, pag-asa at pagtingin sa
positibong bagay na mangyayari sa hinaharap.
Walang problema na
walang kalutasan, walang negatibong sitwasyon na walang solusyon,
lahat ng bagay ay nagaganap at naaayon sa kalooban ng Diyos na
makapangyarihan. Tiyak ang tulong ng ating Panginoon anuman ang ating
pagdaanan, kaya huwag kang bibitaw! :) - prosperich08
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento